Groom, pinatigil ang kasal nang makita ang totoong itsura ng kanyang bride

Naging agaw eksena ang post tungkol sa isang groom na napilitang ipatigil ang kasal nang makita ang totoong itsura ng kanyang bride.

Ayon sa ulat ni Fatin Imanina ng World of Buzz, nakilala ang lalaki na si Yusuf na nagtatrabaho sa South Korea. Samantala, ang kanyang nobya naman ay nagtatrabaho sa Taiwan.

Nasa long distance relationship man ang dalawa, tumagal pa rin ng dalawang taon ang kanilang relasyon.

At dahil sa malayo sila sa isa't-isa, walang kaalam-alam si Yusuf na larawan ng ibang babae pala ang pinadadala sa kanya ng nobya.

Picture ito ng isang make up artist na talaga namang kaaya-aya ang ganda.

Madalas lamang kasing magkausap sa cellphone at kung sila naman ay mag-video call, nakatakip lagi ang mukha ng babae.

Di naman nagtaka si Yusuf. Katunayan, nauudyok pa siya ng nobya na magpadala ng pera sa kanya panggastos. Minsan pa nga, binigyan pa ng lalaki ng pamasahe pauwi ng Indonesia ang babae.

Hanggang sa napasunod na rin siya nito na sila ay magpakasal sa kondisyong di sila magsasama.

Walang ano-ano'y pumayag nga si Yusuf hanggang sa dumating ang mismong araw ng kanilang pag-iisang dibdib.


Nang makita ang bride, di ito makapaniwala dahil sa ibang-iba talaga ang itsura nito.

Ang masaklap pa, mas matanda ito kay Yusuf at halos ka-edad na raw ng kanyang ina.

Samantala, nagulat din ang make up artist na nagamit ang larawan dahil wala talaga siyang alam sa pangyayari.

Magsilbi itong aral sa bawat isa sa atin dahil sadyang mapanlinlang ang teknolohiya sa panahon ngayon.

Marami na talaga itong pwedeng gawin kahit pa para sa di magandang bagay gaya na lamang ng panloloko na ito ng babae sa kanyang nobyo.
Powered by Blogger.