'Hipon' Herlene, may pa-tour sa Wil Tower at plane collection ni Willie Revillame! May pa-heli ride pa

'Hipon' Herlene Budol, naispatan ng Trending Bytes ang pagbahagi ng videos sa Wil Tower ni Willie Revillame pati na rin ang plane collection ng huli.

Tila may pa-food trip si Kuya Wil kina 'Hipon' at mga kasama dahil ito ang unang bumungad sa 'Wil Tower Event Place at the 42nd floor of Wil Tower' video sa YouTube channel ni Herlene 'Hipon' Budol.



May pa-heli ride rin si 'Hipon' sa isa sa mga helicopters ni Willie at ipinakita rin niya ang magagarang eroplano na pagmamay-ari ng huli.

Nakakalula nga ang yaman ng Wowowin host kaya naman bumuhos ang samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens.



'Hipon' Herlene, unang nakilala bilang isa sa mga contestants sa show ni Willie Revillame na Wowowin. Dahil nag-trending ang kanyang pagsabak sa segment ng show ay pinabalik siya ni Willie at naging co-host ng naturang programa.
Powered by Blogger.