US at SG nag-alok ng tulong kay Mayor Isko Moreno na gawing "smart city" ang Manila

US at SG, nag-alok ng tulong para gawing "smart city" ang Manila nang bumisita ang mga ambassadors ng dalawang bansa sa opisina ni Mayor Isko Moreno, ayon pa sa balita na napag-alaman ng Trending Bytes.

Saad pa sa balita na una naming naispatan sa Manila Bulletin, inalok ng United States at Singapore si Mayor Isko Moreno Domagoso na gawing "smart city" ang Maynila, kamakailan lang, nang magpadala ang dalawang bansa ng mga kinatawan sa kabisera ng Pilipinas.

Ani pa raw ni Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho:

“We are ready to share. Ask us if you need any help. We have areas of expertise in traffic management, sewages, but you have to see what works for you because you cannot blindly apply."

Ang pagbisita ng embahador ay nahulog sa bisperas ng ika-54 na Araw ng Singapore.

Patuloy pa ng balita, nag-offer din daw ng fund ang embahador ng "study trip" kung saan maaring matutunan ng alkalde ang tungkol sa mga patakaran at kasanayan sa isang first-world country.

Dagdag na pahayag pa raw ni Ho:

“If you have done something before and it seems to work, and you want to be a good neighbor and friend to your region, isn’t it good to share these things to everyone?”

Sinabi naman daw ni Mayor Isko Moreno kay Ho na isa sa kanyang mga pangarap para sa Maynila ay tugunan ang problema sa pagbaha sa kabisera.

“We are trying to utilize our creeks because in the modern world these are assets, but here, nobody wants to live there. Our roads are full of water but our creeks are not. There must be something wrong. I need a thorough study, no development yet."

Dugtong pa umano ng alkalde:

“I have a dream to really address flooding in the city… I think in a million light years we will arrive there, but with your help (Singapore) we will get there."

Sa isang banda, bumisita rin ang mga US embassy officials kay mayor noong August 7 para mag-alok din ng tulong para sa flood monitoring at prevention program ng kabisera.

Pagbahagi pa ni Mayor Isko sa naturang pagbisita:

“I was asked what I wanted to prioritize. Sabi ko, ‘Once and for all, please study Manila geographically with regard to flooding problems."

At dagdag pa ng alkalde:

“Magkaroon ng drainage plans, catch basins and everything that will address the problem."


Kamakailan din ay lalong pinabilib ni Mayor Isko Moreno ang publiko sa kanyang speech sa isang graduation.
Powered by Blogger.