Ang swerte! Dating OFW, di makapaniwalang niregaluhan siya ng bahay ng kanyang Syrian na amo

Marami ang nakaramdam ng inggit sa dating OFW na si Angel dahil sa regalong kanyang natanggap mula sa kanyang amo.

Sa YouTube video ng amo nitong may vlogger name na The Hungry Syrian Wanderer, binahagi niya kung paano niya sinurpresa ang loyal at masipag niyang empleyado.

Kasabwat ang iba pa nitong kasamahan, pinaghandaan nila ang kaarawan ni Angel.

Ngunit ang pinaka-espesyal sa lahat ay ang regalong bahay ng amo sa kanya.

Maluha-luha si Angel at halos di makapaniwala sa mga nangyayari.

Ayon pa sa kanyang amo, mas minabuti niyang ibigay ang bahay kay Angel dahil mas kinakailangan niya ito.

Sa ngayon kasi ay nangungupahan pa rin ang amo ngunit di raw ito alintana sa kanya dahil mahal niya ang Pilipinas at nais niya talagang manatili rito.

Dahil alam ng kanyang amo na dating OFW si Angel sa loob ng dalawang taon, ayaw na niyang umalis pa muli ito upang magtrabaho sa ibang bansa.

Panoorin ang video dito:


Bukod sa bahay, balak din ng amo na bigyan si Angel ng mga kagamitan sa bahay.

Tunay na ang kabutihan ng isang tao ay masusuklian din ng umaapaw na kabutihan. Gaya na lamang ng pinakitang dedikasyon sa trabaho ni Angel na nagantimpalaan naman ng kanyang amo na may ginintuang puso.
Powered by Blogger.