Pinay, kinilala ang katapatan matapos magsauli ng limpak-limpak na pera

Kinilala ang katapatan ng isang Pilipina ngayon sa Dubai matapos itong magpakita ng kahanga-hangang katapatan.

Kinilala itong si Mae Anne Olmidillo, isang Barista sa nasabing bansa.

Ayon sa Instagram post ng Dubai police, isinauli ng Pinay ang bag na napulot na may lamang Dh195,000 o katumbas ng P2.75 million.


Mayroon ding mga cheque na nagkakahalaga ng Dh500,000 o P7 million at Dh6,250 o P88,000.

Kasama rin sa bag ang isang cheque book at ilang dokumento.

Sa nasabing post, makikita pa ang Pinay kasama ang ilang Dubai Police na nagtungo sa pinagta-trabahuhan ni Olmidillo para ibigay rito ang isang certificate of recognition.

“When I found the money, hindi po ako nagdalawang isip na ibalik yung pera sa nagma-may-ari. Hindi po akin yun at alam kong may return si God para sa akin. Maraming salamat po," sabi pa ni Olmidillo.

Panoorin ang video dito:

Powered by Blogger.