Dahil bawal maglako: Store manager, nagmalasakit pakainin ang sampaguita vendor

Marami ang humanga sa ginawa ng store manager ng isang branch ng Mang Inasal dahil sa pagtulong na nagawa niya sa isang batang naglalako ng sampaguita.

Imbis kasi na ipagtabuyan, pinapasok niya ito at pinakain.

Nalaman din ng Trending Bytes na pinakyaw na rin ng manager ang paninda ng bata upang makauwi na ng maaga ang bata at makapagpahinga.

Binahagi mismo ng manager na si Kyn Matthew ang larawan nila ng bata na maayos na nakakain sa araw na iyon.

Dahil dito, inulan ng papuri ang manager sa ginawa niyang pagtulong.

Maging ang bata ay kinabiliban din dahil sa kasipagang pinakita nito sa kabila ng kanyang murang edad.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

Powered by Blogger.