Dakilang anak: OFW, bumalik ng Pinas para ibigay ang kidney sa inang may cancer

Sadyang nakakatunaw ng puso ang tagpo sa Wowowin kung saan ang isa sa mga contestant na OFW ay umuwi para lamang ibigay ang isa niyang kidney sa inang may stage 3 chronic kidney disease.

Nalaman ng Trending Bytes na isang caregiver si "Tin" sa bansang Cyprus. Sa kabila ng maayos na trabaho roon, umuwi siya ng Pilipinas upang alagaan naman ang sariling ina.

Di na raw kasi kakayanin ng dialysis ang sitwasyon ng kanyang nanay Edna at kailangan nito ng bagong kidney.

Di nagdalawang isip si Tin na siya mismong ang maging donor ng kidney na kakailanganin ng ina upang madugtungan pa ang buhay nito.

Laking pasalamat ng ina sa anak niyang ito at marami daw itong naitulong sa kanilang pamilya.

Sinakripisyo raw kasi ni Tin ang pansariling kaligayahan, mabigyan lamang ng maayos na buhay ang kanilang pamilya gayundin ang kanyang sariling anak.

Bukod sa ina, kasama rin nila ang bunsong kapatid ni Tin na malaki rin ang pasasalamat sa kanyang ate.
Mas lalong bumaha ng luha sa studio ng programa nang magbigay na ng mensahe si Tin para sa ina.

Sinabi kasi nitong kulang pa ang kanyang kanyang kidney sa mga sakripisyo nito na ginawa para sa kanilang pamilya.

Ang kanyang ina rin kasi ang nagbangon daw sa kanya nang minsan siyang nadapa.

Narito ang kabuuan ng video:


Umapaw ang emosyon sa programa na nagpapakita ng tunay na pagmamahalan ng isang pamilya Pilipino.
Powered by Blogger.