Dala ng kahihiyan: Pamilya ni "Linda" naglipat bahay na raw, ayon sa kanilang barangay

Malapit nang makamit ni tatay Alexander Gutal, ang lalaking inakusahan ng panghihipo sa e-jeep dahil nasampahan na ng kaso ang nasa walong taong sangkot sa pananakit sa kanya.

Sa part 7 ng mga episode tungkol sa kalagayan ni tatay Alexander, nilahad ang mga pangalan ng mga kakasuhan mismo ng matanda at kung anong kaso ang kakaharapin ng mga ito.

Dahil sa patuloy na sinusubaybayan ng programa ni Tulfo ang kasong ito, muli silang bumalik noon sa barangay hall ng Bambang sa Taguig.

Doon napag-alaman nilang maugong ang balitang lumipat na sina Linda at pamilya nito.

Marami na raw kasi ang galit sa mga ito dahil sa nagawa nila sa walang kalaban-laban na matanda.

Dala raw marahil ng kahihiyan, nag-alsa balutan daw ang pamilya nito.

Samantala, kinumusta rin ng staff ng Raffy Tulfo in Action ang kalagayan na ngayon ni tatay Alexander.

Narito ang kabuuang video:


May nararamdaman pa itong sakit ngunit unti-unti na raw itong naghihilom
Powered by Blogger.