Guro, kritikal matapos protektahan ang mga batang mababagsakan ng pader dala ng lindol

Marami ang humanga sa 61 anyos na daycare teacher na si Erlinda Ajero matapos nitong protektahan ang kanyang mga maliliit na estudyante mula sa gumuhong pader ng Rodero Day Care Center dala ng lindol noong Martes, Oktubre 29.

Ayon sa panayam ng Philippine Star sa anak ni Teacher Erlinda na si Marky Mark Ajero, agad na niyakap ng guro ang kanyang mga estudyante nang maganap ang 6.6 na lindol sa Rodero, Makilala, North Cotabato.

Nagkaroon ng head injury ang guro na siyang naging dahilan ng pagiging kritikal nito nang maganap mismo ang aksidente.

Ngunit dalawang araw matapos na madala agad ito sa ospital, stable na raw ang kondisyon nito at nagpapagaling na lamang.


25 na taon nang guro ng daycare si Teacher Erlinda kaya dahil sa dedikasyon sa kanyang propesyon at napapamahal na talaga sa kanya ang kanyang mga estudyante.

Kaya naman di niya pinabayaan ang mga ito na kahit ang sarili niya mismo ang hinarang niya sa pader huwag lamang mabagsakan ang mga bata.

Masasabing bayani ng kanyang mga estudyante ang guro at laking pasalamat din ng mga magulang sa kanya.
Powered by Blogger.