Misis, nadiskubreng kabit ni mister ang BFF niya na sumbungan pa raw niya

Labis na sama ng loob ang nagtulak sa babaeng si Jeisa Galgana para idulog ang kanyang problema sa mister na si Jerico Galgana, sa programang Wanted sa Radyo.

Dito, isiniwalat niya na sa loob ng siyam na taon ay marami na siyang pagdurusang dinanas sa piling ni mister.

Inireklamo nito ang pambababae ng asawa simula pa lang daw nang magsama nila. Nagagawa rin daw siyang saktan nito.

Ngunit napuno na raw talaga siya nang madiskubre na ang mismong bestfriend na niya ang ginawa nitong kabit.

Ang masaklap pa, nagmukha siyang tanga dahil ang naturang kaibigan niya ay ang sumbungan pala niya simula nang maghinala siya na may iba na namang babae ang mister.

Ngunit ayon naman kay Jerico, napag-usapan na nilang mag-asawa ang tungkol sa kanilang relasyon at iginiit na hiwalay na sila ni misis.

Inakusahan din nito ang asawa na mayroon itong ibang ka-chat at umuuwi pa nga raw ng madaling araw na itinanggi naman ni Jeisa.

Sa huli, nagkasundo na lamang ang dalawa na pag-usapan ang tungkol sa kanilang mga anak.

Panoorin ang video dito:


Humanga naman si Raffy Tulfo sa lalaki na hinarap ang reklamo at inamin ang kasalanan. Nangako rin ito na hindi pababayaan ang mga anak.

Ipinaubaya na lang din ni Jerico ang bahay nilang mag-asawa kay Jeisa para na rin sa mga bata.
Powered by Blogger.