Video ng barangay sa pananakit ng ama ni "Linda" sa inakusahan niya ng panghihipo, inilabas na

Binahagi ng netizen na si Romeo Manuel ang CCTV footage na kuha sa Barangay Bambang, Taguig City sa oras na dinala roon si Alexander Gutal, ang lalaking inakusahan di umano ni Dimples Morcillo alyas "Linda" ng pambabastos sa kanya sa e-jeep.

Sa video, makikita kung paano sinugod ng ama ni Linda ang walang kalaban-laban na si Mang Alexander.

Ang masama pa nito, di lamang ang ama ni Linda ang sumugod kundi maging ang mga kasamang lalaki nito na napasugod din sa barangay.

Mapapansing inawat na ito ng mga taga-barangay dahil sa napuruhan na nga ang jeepney driver.

Tumugma ito sa panayam mismo ng Raffy Tulfo in Action kay Mang Alexander nang pumunta sila sa barangay at isinalaysay nito ang nangyari sa kanya roon.

Sabi niya, halos wala na siya sa ulirat dahil sa tindi ng pananakit na kanyang natamo.

Makikita rin kung gaano katapang ang ina ni Linda sa barangay na panay din ang panghahamba nito kay Mang Alexander. Taliwas naman sa itsura nito nang nangmamakaawa na ito na iurong ang kaso laban sa kanyang anak.

Desidido na kasi na magsampa ng kaso ang pamilya ng nabugbog na lalaki kina Linda at ama nito kaya ganoon na lamang ang paghingi ng dispensa ng panig nina Linda.

Samantala, narito ang video na kuha sa Barangay:


Kamakailan lamang ay nakaharap na rin ni Mang Alexander ang driver ng e-jeep na si Jowel Espiritu at konduktor nito na binabalak din nilang kasuhan sa pang-uudyok nitong saktan ang inakusahan ng panghihipo. Una na itong naiulat ng Trending Bytes.
Powered by Blogger.