Aktwal na pangunguha ng "puting van" sa kanilang mga biktima, sapul sa CCTV

Sapul sa CCTV ang di umano'y pwersahang pagsasakay sa isang lalaking nakatayo lamang sa gilid ng kalsada habang gamit nito ang kanyang mobile phone.

Ayon sa Villamorthodox, kuha raw ito sa Mandaluyong bandang alas nuebe ng gabi.

Kitang-kita kung gaano kabilis ang mga pangyayari na wala pang ilang segundo ay naisakay na ang lalaki sa "puting van."

Una nang naibalita ng Trending Bytes na naalarma na ang alkalde ng Pasay City dahil umano sa sunod-sunod na pagkawala ng kanilang mga residente noong mula Nobyembre 20 hanggang Nobyembre 22.

Humingi na ng tulong si Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano kay Pasay police chief Col. Bernard Yang upang pangunahan ang imbestigasyon sa pagkawala ng nasa siyam na residente ng siyudad.

Panoorin ang video dito:


Tinatayang nasa 15-23 ang mga taong nawala na di nalalayo sa edad marahil ng lalaking nakuhanan ng CCTV sa Mandaluyong.

Nito lamang nakaraang taon, bata raw ang pinupuntirya ng mga "puting van."

Ayon sa ilang netizens, ang mga puting van daw na ito ay nangunguha ng tao upang ibenta ang mga lamang loob nito sa malaking halaga.

Tila naiuugnay pa ito sa panahon ng kapaskuhan kung saan marami raw pagkakagastusan kaya naman marami rin ang nakagagawa ng di maganda magkaroon lamang ng pera.

May katotohanan man ang di umano'y bentahan daw na ito, magsilbing babala pa rin ito sa publiko na maging alerto sa lahat ng oras dahil wala nang pinipiling edad at oras ang mga nangunguha ng tao na ito.
Powered by Blogger.