Lolo at lolang nakatira lang sa sirang tent, kinalimutan na raw ng kanilang mga anak

Kalunos-lunos ang kalagayan ng mag-asawang matanda sa Linabuan Norte, Kalibo, Aklan.

Bukod kasi sa di na maganda ang kanilang pangangatawan, ay di rin maayos ang kanilang tirahan.

Binahagi ng Radio anchor na si Archie Hilario ang nakakadurog ng pusong kalagayan ng mag-asawa.

Tagpi-tagping tent lamang ang kanilang tinutuluyan na masasabi talagang mahirap ding higaan.

Iisang anak lamang nila na namamasukan malapit sa kanilang kinaroroonan ang sumusuporta sa kanila. May sarili na rin itong pamilya kaya naman kung wala itong maibigay, wala ring makain ang mga matanda.

Ayon pa kay lola, mayroon siyang mga anak na nasa Maynila ngunit di na raw sila naaalala.

Sana man lang daw maski sulat ay mapadalhan sila nito at masaya na silang makabalita sa mga ito.

Di naman daw masama ang loob nila sa mga ito ang mahalaga ay makita nilang muli ang mga anak o malaman man lang ang kanilang kinaroroonan.

Maraming netizens ang nadurog ang puso sa kalagayan ng mag-asawa.

Hangad nila na matagpuan ng mag-asawa ang kanilang dalawa pang anak lalo pa at kailangan na sila ng kanilang mga magulang.

Ang ilang netizens naman ay nagpabatid na nais nilang tulungan ang mag-asawa sa anumang paraan na kaya nila.


Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana makita na nila ang mga anak nila"

"Naiyak ako, di ko gagawin ito sa mga magulang ko balang araw"

"Magkita na sana sila ng kanyang dalawa pang mga anak"

"Napakahirap ng kalagayan nilang mag-asawa, sana makakain sila sa araw-araw"

"Sa tingin ko kaya sila naninigarilyo para maibsan na lamang ang gutom, kung malapit lang ako natulungan ko na sila."
Powered by Blogger.