Magkasintahang may edad na 93 at 51, emosyonal sa kanilang pag-iisang dibdib

Agaw eksena ang mga larawan ng magkasintahang may edad na 93 at 51.

Ayon sa The Freeman, nalaman ng simbahan ang relasyon ng dalawa nang ikumpisal ng 93-anyos na si Alfonso Flores ang pagsasama nila sa iisang bubong ng kanyang 51 anyos na kasintahang si Elena Besabella kahit wala pang basbas ng simbahan.

Ito ang naging daan upang sila ay maikasal sa tulong na rin ng kanilang simbahan.

Ibinahagi rin ng The Philippine Star ang mga larawang kuha ni Sacristan Alzon Rey Ruelo sa kasalan.


Makikita kasi rito ang pagmamahalan ng dalawa na tumagal na ng mahigit 11 taon.

Noong Nobyembre 5, ginanap ang kanilang emosyonal na pag-iisang dibdib sa pamumuno ni Rev. Fr. Michael Hisoler.

Patunay lamang daw na walang pinipiling panahon o edad ang mga taong tunay na nag-iibigan.
Powered by Blogger.