Mayor Isko, magpapagawa ng 14 palapag na condo style na pabahay para sa mahihirap

Tuloy ang pagpapagawa ng pabahay ng masipag na Alkalde ng Maynila na si Isko Moreno.

Sa isa sa kanyang mga talumpati kaharap ang mga mamamayan ng Maynila, sinabi niyang detailed engineering design na lamang ang hinihintay para sa maitayo na ang 14 na palapag na gusaling pabahay para sa mga mahihirap.

Nalaman ng Trending Bytes na sa unang plano, lumalabas na hanggang limang palapag lang sana ito ngunit pinayagan daw si Yorme Isko ng National Housing Authority na gawin ito ng hanggang 14 na palapag.

Proud ang alkalde na sabihing may elevator pa ang gusali kaya naman masasabing mala-condo style daw ito.

Paliwanag niya, tutupdin na lamang din niya ang proyekto kaya itinodo na niya.

Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit halos hindi na siya natutulog.

Nabanggit din niya na ang vertical housing program na ito ay isa sa mga pinangarap lamang niya noon para sa lungsod.

42 square meter ang sukat ng disenteng unit kung saan mayroong kwarto para sa magulang at para rin sa mga anak.

Dahil dito, maraming residente ng lungsod ang na-excite sa proyekto na ito ng kanilang "Yorme".

Tunay nga raw na malaki ang pagbabago sa Maynila ngunit para naman daw ito sa kanilang ikabubuti at ikauunlad sa maayos na pamamaraan.

Narito ang kabuuan ng video na kuha mula sa Mundo ni Colli YouTube channel:
Powered by Blogger.