Simpleng sorbetero, nagbigay ng free ice cream sa mga batang biktima ng lindol

Spotted ng netizen na si Vonbryan Edo ang isang sorbetero na nagbigay ng libreng ice cream sa mga bata sa Makilala, Cotobato, na biktima ng lindol kamakailan lamang.

Ayon pa sa uploader, nakita niya pa ito na ibinebenta ang panindang ice cream noong una ngunit kinalaunan ay ipinamigay na lamang sa mga bata roon.

Kita naman ang saya sa mga paslit na kanya-kanya ng pila para sa libreng ice cream.

Dahil dito, marami ang pumuri at humanga sa simple ngunit dakilang hangarin ng sorbetero na makapag-abot ng tulong lalo na sa mga batang apektado ng krisis dahil sa mapaminsalang lindol.

"More blessings po sayo kuya... napakabait nyo po."

"So proud of you Kuya."

"Maliit na bagay pro malaki ang impact sa tao lalo na sa mga bata na nabigyan..salute sau boss..GOD BLESS MORE.."

"Marami paring tao ang mabubuti. God bless kuya."

"Yung ikaw na hikahos din pero nagawa mo pa rin magbigay ng walang kapalit..More blessings to you sir."

"Good job thank u pinasaya. mo mga bata."

Lubos na humahanga ang Trending Bytes sa ipinakitang pagmamalasakit nito sa mga kapwa nating nangangailangan ng tulong.
Powered by Blogger.