Dahil walang "dayoff" ang pag-aalaga, si misis natanggap ang 13th month pay

Marami ang napa-sana all sa isang viral post sa Facebook ng isang mister na sinorpresa ang kanyang misis.

Umani ng sari-saring reaksyon sa social media ang FB post ng netizen na si Melbert AƱonuevo para sa kanyang minamahal na asawa.

Sa nasabing post, ibinahagi ni mister ang larawan ng kanyang misis na natutulog at walang kamalay-malay sa sorpresa nito.

Kasama rin sa larawan ang isang Nakakatouch na liham ni mister at ang kanyang ATM.

Sabi pa ni mister, deserve na deserve ni misis ang 13th month pay nito dahil sa kanyang pagmamahal at pag-aalaga sa kanila.

Biro pa nito, pwede nang bilhin ni misis ang lahat ng gusto nito na itinag sa kanya sa social media.

"Para sa mahal kong asawa Nikka AƱonuevo dahil wla kang sahud, at wlang rest day sa pag aalaga kay baby. Heto ang buong 13th month ko para sau. Salamat sa lahat, deserve mo to.

Bili ka ng mga SANA ALL mo na tina tag mo skn sa FB.

Hahaha

I LOVE YOU SO MUCH! WE LOVE YOU SO MUCH!" ayon sa FB caption ni mister.

"Sana all my 13th month pay," ayon pa sa isang netizen.

"Mapapa sana all kna lang talaga," sabi naman ng isa pa tinag pa ang kanyang asawa.

"God bless sa mga katulad mo..npakaswerte ng asawa mo sayo..happiness overload puso nya. Sana all tlga," sabi ng isang misis.

"Ikaw na ang bukod ranging pinag pala sa babaeng lahat," biro ng isang netizen.

"sana mafeel ko din yan..kahit isang beses lang."