Dalagitang atleta na nagsuot ng "Nike" shoes na gawa sa bandage, gold medalist

Mabilis na nagviral ang larawan ng isang dalagitang atleta na lumahok sa isang running competition kahit walang sapatos.

Ang dalagita na nakilalang si Rhea Bullos mula sa Balasan, Iloilo ay umantig sa maraming puso ng maraming netizens matapos i-post ng kanyang coach na si Predirick B. Valenzuela ang mga larawan niya sa social media.

Mas lalong humanga ang marami sa 11-anyos na atleta dahil sa kanyang panapin sa paa na gawa lamang sa bandage.

Nilagyan lamang ito ng logo ng sikat na brand ng sapatos na Nike.

Nagpapahinga raw ito matapos ang kompetisyon nang mapansin ni Valenzuela na ito lamang ang ginamit nito sa pagtakbo.

"New design of spike shoes

Made in Philippines

NIKE

Congratulations," ayon sa caption ni Valenzuela.

Pero sa kabila nito ay matagumpay pa rin itong nakapag-uwi ng tatlong gold medals mula sa 400m dash (elementary girls), 800m at 1,500m run (elementary girls).

Dumagsa ang paghanga kay Bullos sa social media at marami sa mga netizens ang nagpahayag ng pagnanais na tulungan ang dalagita.

"Sino po nakakakilala sa kanya? Gusto po sana namin matulungan mabigyan ng running shoes. Salamat sa sagot."

"Congratulations for this girl.. I'll send a pair for this your warrior asap.. Please send me her shoe size, her details or her family or her Coach."

"Find you girl! Sana I can reach to you asap and I will know where to send the Nike Running Shoes para sayo."

"Congratulations, little girl! You are so inspiring! Keep it up! God bless your everything!"

"I salute you for your creativeness little girl.More power and God bless you."

"Im happy for her and at the same time breaks my heart. #Nike this is one person that deserves your attention."

Mula sa Trending Bytes, binabati namin ang iyong tagumpay Rhea Bullos!
Powered by Blogger.