Estudyante, naiyak at nagulat nang sorpresahin ng mga kabarkada sa kanyang kaarawan

Lagi na lang sinasabi na walang iwanan sa barkadahan. Anumang panahon ay sila ang maasahan mo. Anumang sitwasyon ay sila ang karamay mo. Mahirap man o madali, masaya man o malungkot, sila ang tunay na aalalay sa iyo sa buhay.

Pero paano kung sa pinaka espesyal na araw ng buhay mo, na iyong kaarawan ay hindi pala sila makakarating?

Nakakalungkot nga namang isipin na hindi mo sila makakasama lalo pa at inaasahan mo sila at naghanda ka pa.

Gaya na lamang ng batang to na may video sa social media. Tila sinermonan pa siya ng nanay kauwi sa mismo araw ng birthday niya dahil dalawa lang pala ang bisita at napakarami ng kanyang handa.

Malungkot at dismayado pero prank lang naman pala ang lahat ng ito.


"Yung ineexpect mong pupunta sila kase birthday mo.. Tas karamihan eh nag sabe sayong hinde pede yung iba naman bawal" ayon sa isang post.

Pinrank lang pala siya ng barkada at kasabwat pa ang ina. Todo ang sermon pero lahat ng ito ay biro lang.

Nabigla na lamang siya ng makita niya ang kanyang mga kaklase sa loob ng bahay. Todo ang saya niya ng makita sila. At makikita nga naman ang tunay na barkada sa kanila.


Narito ang mga komento at papuri ng mga netizens ukol dito:

"Naiyak ako lalo na birthday ko bukas pero parang wala silang pakeelam, isang malaking SANA ALL"

"Naiyak ako naappreciate q efforts at support ng mga barkada mo.. Lalo na kay mommy na mgaling umarte."


"Naawa ako sa hitsura nya ng kinagagalitan sya.. si madir kasabwat hehe. Good job tropang pang poreber.

"Medyo masakit sa part natu akala ko talaga ey wala ng dadalo. syempreeeee Papatalo ba tayo na mga classmate pag pagkain pinag uusapan syempree sayang Ang shanghai hahaahahaahaahaha"

"Naiyak ako sobra, sobra nasad xa kasi kla nya wala dumating, kahit kunware pinagalitan xa , kita mo sa histura nya napakabait at masunurin anak, no wonder kung bakit mahal at madami syang kaibigan. godblessypu"
Powered by Blogger.