Inaanak, nagulat sa malaking halaga na padala ng kanyang ninang bilang pamasko

Napa "sana all" ang mga netizens nang makita ang post ng netizen na si Princess Joie H. Cabiles na binigyan ng malaking halaga ng kanyang ninang.

Kwento ni princess sa kanya na ngayong viral post, simula sapul ay di siya napamaskuhan ng kanyang ninang.

Ngayong 23 taong gulang na si Princess, laking gulat niya nang makatanggap siya ng ₱23,000.

Nangangahulugan lamang na sa loob ng mahigit na dalawang dekada na iyon, ₱1,000 kada taon ang bigay sa kanya ng kanyang ninang.

Laking tuwa naman ni Princess sa surpresang ito dahil di na niya ito inaasahan lalo pa at di naman na siya batang namamasko.

Birthday at christmas gift na raw ito ng kanyang ninang at nagbiro pa raw ito na bayad na siya sa mga "utang" niya kay Princess.


Natuwa ang mga netizens kaya naman umani ito ng nasa 30,000 na positibong reaksyon at naibahagi na ito ng nasa 184,000 na beses.

Samantala, di rin makapaniwala ang ilan na may ganito ka-galanteng ninang na kahit nasa hustong edad na ang inaanak ay di pa rin niya ito nakalimutang papaskuhan.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento: