Lolo na may malubhang sakit, nagta-tricycle pa rin para sa kanyang operasyon

Isang netizen ang nagmalasakit na ihingi ng tulong ang driver ng nasakyan niyang tricycle.

Napansin kasi niya ang binti ng matandang dirver at halos malaki kaysa normal gayundin ang mga paa nito.

Ayon sa Twitter post ni Eliejah Judynne Mernilo, nakilala niya ang lolong driver na ito si Antonio Riveral na mula sa San Vicente, Butuan City.

Kinunan niya ng larawan ang lolo upang makahingi na rin ng pampagamot niya.

Kaya naman kahit pagod at hirap na sa kanyang kalagayan, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho.

Narito ang kabuuan ng post:


Mabilis na nag-viral ang post at marami rin ang nagpaabot na nais nilang tulungan ang lolo

Ang ilan, sasadyain pa raw puntahan ang lolo upang personal na maiabot ang kanilang tulong.