Magarbong opening ng 30th SEA Games sa Pinas, inulan ng papuri


Opisyal nang binuksan ang 30th Southeast Asian (SEA) Games sa bansa. Ginanap ito pasado alas siyete ng gabi ng Nobyembre 30, sa Philippine Arena.

Umpisa pa lamang, napa-wow na agad ang marami sa pagkanta ni Lani Misalucha ng "Lupang Hinirang."

Sinundan ito ng mga makapanindig balahibong performances na binalot din ng napakagandang mga Pinoy costumes at production.

Nagbigay sigla ang mga Word-class Pinoy artist na sina Robert CeΓ±a, KZ Tandingan, TNT boys, Jed Madela, IΓ±igo Pascual, Elmo Magalona at iba pa.

Maging ang miyembro ng Black Eyed Peas na si Apl de Ap ay nagpaunlak sa kasiyahan at di nakalimot na isa siyang Pilipino.

Dumagdag pa rito ang Francis Magalona medley na talaga namang nasabayan ng halos lahat mga manonood at damang-dama nila ang pagiging Pilipino habang pinanonood at nakikikanta rito.

Litaw din ang gandang Pinoy na pinangunahan nina Megan Young, Precious Lara Quigaman at Pia Wurtzbach na naging mga lakambini ng bawat bansang kalahok.

Dahil dito, inulan ng papuri ang Opening ng SEA Games dahil di raw nila inaasahang magiging napakaganda, napakahusay at napakaayos ng kalalabasan nito.

Ang ilan, sinabing naging emosyonal sila habang nanonood dahil kitang-kita kung gaano nating pinagmamalaki ang ating lahi at kultura.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:






Mas lalong nakadagdag ng kabog ng dibdib ang paglabas ng mga Pilipinong atleta na minsan nang nagbigay karangalan sa bansa na sina Lydia de Vega, Akiko Thomson, Eric Buhain, Alvin Patrimonio, Bong Coo, Efren "Bata" Reyes, Mansueto "Onyok" Velasco, and Rafael "Paeng" Nepomuceno na dala-dala ang SEA Games Federation Flag.



At nang pangunahan na ni Senator Manny Pacquiao ang pagdadala ng torch at pagsisindi ng cauldron, di na magkanda-mayaw ang mga manonood.



Maging ang Pangulong Rodrigo Duterte ay napapaindak kasabay ng masasayang tugtugin sa seremonya.



Tunay na pinanindigan ng mga Pinoy ang tema ng SEA Games na "We win as One" at dahil sa napakagandang Opening ceremonies na ito, umaasa ang marami na hahakot tayo ng ginto sa patimpalak ng pampalaakasang ito.

Powered by Blogger.