May premyo: Misis na niregaluhan ang mister dahil hindi follower ni Ivana Alawi, usap-usapan ngayon ng mga netizen

Kinagiliwan ng mga netizens ang post ng mister na pinakita ang kanyang "premyo" sa di niya pag-follow sa aktres na si Ivana Alawi.

Pinakita ng mister na si Lloyd Mejia ang sapatos na regalo sa kanya ng kanyang misis na may nakakatuwang mensahe na "Dahil di mo pina-follow si Ivana, may shoes ka, Wuv you!"

Si Ivana ay aktres sa ABS-CBN na lumabas sa teleseryeng Mea Culpa. Isa rin siyang sikat na YouTuber.


Kilala siya ng mga kalalakihan dahil sa angking gandang di nga naman matatawaran kaya naman makailang beses na siyang "pinaghahanap" ng mga misis.

Dahil dito, naging tampulan na ng kulitan at biruan ang pagseselos daw ng mga misis sa kanya dahil lagi umano siyang tinitingnan ng mga kalalakihan sa social media.

Samantala, natuwa ang marami sa post ni Lloyd lalo pa nang nilagyan niya ito ng caption na "Sigurado after nito, mababawasan followers ni Ivana."

Karamihan pa sa mga komento ay naka-tag sa kanilang mga asawa at sinasabing di rin daw sila follower ni Ivana.


Narito ang ilan sa mga makukulit na komento:

"Di ako naka follow sooooo bibilhan mo na ako ng rolex?"

"Ehem, good boy ako ano kaaya matatanggap ko dahil di ko naman kilala si Ivana"

"Ivana? Sino ba yun? mas kilala yun ng misis ko"

"Beke nemen, good boy ako kahit check mo pa co ko love"

"Naku kahit fb, instagram at youtube wala ka makikita Ivana Alawi diyan"