Mensahe ng Pari sa kanyang ikinasal, kumurot sa puso ng mga magulang ng bride at groom na nagpaluha rin sa mga netizen

Karaniwan sa mga seremonyas ng kasalan ay tinuturan ng mga pari, ministro, pastor o kung sinomang nangangasiwa ng kasal ang mga mag-asawa tungkol sa buhay na kanilang papasukin. Nakasentro nga naman talaga ang kasal sa dalawang newly wed couple.

Pero, iba ang kasal mi Jem Dela Cruz Espiritu. Memorable na maituturing ang kanilang kasal.

Ang pari na nangasiwa ng kasal na si Rev. Fr. Joseph Fidel Roura ay ipinunto at sinentro ang kanyang mensahe sa mga magulang ng ikakasal.

Ipinaliwanag ni Father ang role ng mga magulang sa kanilang mga buhay mula pagkabata hanggang sa ngayon na kinakasal sila. Pinaaalalahanan ni Fr Roura ang mga bagong kasal na patuloy lang na magpasakop at magpagabay sa kanilang mga magulang.


Ayon pa kay Fr Roura, kung mahal mo ang iyong asawa ay dapat mahal mo din ang magulang ng taong pakakasalan mo.

Kaya naman, maraming mga netizens ang bilib na bilib kay Fr at ibinahagi ang kanilang pakikinig kay Fr sa kanyang mga homily.

"Napakagaling po talaga ng priest na yan dati po siya s divine mercy shrine s bulacan..basta po xa ang ngmimisa eh ang saya at makabuluhan lagi ang homily..keep it up po father fidel v. Raura.."

"Napakagaling talaga na priest yan lahat ng sinasabi tagos sa puso at hindi mo makalimutan father saan kna ba naka asign sana makabalik kna sa divine mercy"

"Naaalala ko nun.. plge kme ngccmba sa divine mercy ang srap sa pkiramdam pg nauumpishan mo ung misa at mtpoa mo at pglbas mo ng divine mercy prang ntpos n ung problema at bigat sa dibdib mo.. kaya pla familiar ung face nia sa divine mercy pla cia dati.. i salute u father"


"sya ang nagkasal sa amin. at halos lahat ng tao sa simbahan ay napaiyak sa kanyang homily. thank you father fidel Roura. kaylan po kayo ulit magmimisa dto sa divine mercy?"

"Sobrang galing mo father.. kng kagaya lng po sana nyo lahat ang nagmimisa sa mga kasal napakaganda.. Nkakaiyak nman bigla ko din kc naalala ang tatay ko n umiyak din sya ng isinama na ako ng asawa ko"

Panoorin ang video dito: