Mister, 'di raw makapagtrabaho ng maayos dahil sa Mobile Legends ayon kay misis

Puno na raw talaga ang ginang na si Jocelyn Perez, 34-anyos, sa kanyang kinakasama na si Marvin Ibasco, 26-anyos, parehong fish vendor.

Kaya naman idinulog na ng ginang ang problema sa asawa sa programang Aksyon at Wanted sa Radyo, kung saan nakausap nito si Raffy Tulfo.

Bukod daw kasi sa pagiging lasinggero ay naadik na rin daw ito sa mobile game na Mobile Legends.

Dahil dito, apektado na raw ang kanilang hanapbuhay dahil madalas na tamarin si mister dahil sa hangover o kaya naman ay dahil sa paglalaro ng ML.

Maging ang lambing daw ni Ibasco ay nawala na rin kaya naman mas lalo pang nadagdagan ang sama ng loob niya sa lalaki.

Nais lang naman daw niya na magtulungan sila sa pagkayod para sa kanilang pamilya.

Pero dahil punong-puno na raw si misis ay nagdesisyon itong makipaghiwalay na lang kay mister.

Pero si mister, dali-dali namang sumunod kay misis at agad na pumunta sa tanggapan ng TV5 sa tulong ni idol Raffy.

Nang magkaharap ang dalawa ay inamin naman nito na madalas nga itong uminom at naglalaro ng ML.

Panoorin ang video dito:


Pero itinanggi naman nito na siya ay adik na sa nasabing mobile game. Humingi rin ito ng sorry sa asawa at sinuyo ito.

Nangako ito kay misis at Tulfo na iiwasan na ang mga bagay na ikinagagalit ni Perez sa kanya.

Dahil dito ay lumambot naman ang puso ng ginang at pinatawad din ang mister.
Powered by Blogger.