Rodjun Cruz, ipinasilip ang kanilang magiging bahay ni Diane Medina na sobrang laki na may sarili pang pool at gym

Sa pagabot ng mga nais makamit sa buhay ay talaga nga namang napakahalaga ng pakikipagtulungan sa isa't isa. Sabi nga nila, no man is an island. Kaya hindi sa lahat ng bagay ay kaya mong gawin ang lahat ng mag-isa.

Maaaring kaya mong mag-isa ngunit baka hindi ito sapat o mas mabilis kung may kasama ka. Kaya naman, isa din sa mga itinuturo sa atin ay ang pagiging team player. Dahil sa kahit anong bagay ay napakahalaga ng team work.

Sabi nga nila, sa team work ay walang imposible. Lahat ay nagiging posible sa pagtutulungan, pagkakaisa at kooperasyon.


Kinakaya ng team work ang imposible. May magagawa tayo sa pagsasama sama at pagtutulungan.

Para kay Rodjun Cruz na isang aktor, iba ang kanyang ka team work sa kanyang mithiin sa buhay. Walang iba kundi ang kanyang fiance na si Dianne Medina.

Naging usap-usapan nga naman noon ang kanyang naging proposal na nag trending. Siyempre, nakatanggap ng matamis na oo si Rodjun mula kay Dianne.


At sa kanilang papasuking bagong stage ng kanilang buhay at relasyon ay handang handa na sila sa lahat ng aspeto. Sa pagiging mag-asawa ay handang handa na ang kanilang bagong tayong bahay.

"Team work makes the dream work! Congrats to us my fiancee’ in a few days my wife! Thank you Lord for blessing us more than we deserve" saad ni Rodjun sa kanyang IG post.

Marami nga naman ang nagagawa ng team work. Malaking bagay ito para kay Rodjun at Diane dahil sa pagtutulungan ay naisakatuparan nila ang kanilang pangarap na bahay.


At ang bahay na ito ang magiging tahanan ng pamilya ni Rodjun kasama ng kanilang magiging mga anak ni Diane. Kitang kita naman sa post kung gaano kasaya ang dalawa sa kanilang dream house.

Pangarap nga namang maituturing ito sa kanila at ngayon ay isa ng bahay ang nakahanda na magiging tahanan ni Rodjun at Diane.