Tricycle driver, lumuhod at nagdasal habang lumilindol sa Davao del Sur

Agaw atensyon sa social media ang isang tricycle driver na talagang lumuhod at nagdasal sa kasagsagan ng paglindol sa Davao del Sur.

Ayon kay Rex Remitio ng CNN, kuha raw ito habang nararamdaman ang magnitude 6.9 na lindol sa nasabig lugar.


Makikitang bumaba talaga ng tricycle ang driver at lumuhod sa tabi ng kalsada. Pikit ang mga mata nito at nakadipa habang taimtim na nananalangin.

Maraming netizens ang humanga sa ginawa na ito ng tricycle driver at sinabing ito nga raw ang nararapat na gawin sa oras na iyon.


Maging sila ay nag-alay na rin ng taimtim na dasal para sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Powered by Blogger.