Angel Locsin, ibinahagi ang kwento kung paano siya na-discover at nagsimula bilang artista

Marami sa ating mga kilalang sikat na personalidad at artista ang naibahagi na ang kanilang buhay kung paano sila nagsimula sa kanilang karera sa showbiz. Ang iba ay na discover sa mga reality show ng mga TV networks at ang iba naman ay na discover sa mga naganap na auditions.

Ngunit meron ding mga artista na nagsimula at nadiscover lamang dahil sa mga hindi sinasadyang pagkakataon, katulad na lamang ng aktres na si Angel Locsin. Sa isa sa mga naging pagbisita ni Angel Locsin sa programa ng Abs-Cbn na Magandang Buhay kung saan siya ay na panayam ng ating mga Momshie Karla, Jolina at Melai ay naibahagi at nai kwento ni Angel kung paano siya na discover at nagsimula bilang artista.


Ayon kay Angel nasa isang Mall daw siya noon kasama ang kanyang bestfriend kung saan sila ay nag grocery, ng may isang lalaki siyang napansin na nakapila sa isang lotto outlet.

Bigla umanong nakita niya na papalapit sa kanya ang naturang lalaki at dahil sa kanyang natakot ay bigla siyang tumakbo sa pag-aakala nab aka kunin siya nito ngunit dahil ang plastic ng kanyang pinamiling grocery ay bumigay at napunit ay nagawa rin siyang abutan ng lalaki.

Nang maabutan siya ng lalaki ay binigyan lamang daw umano siya nito ng calling card.


At doon niya nalaman na kaya pala siya gusting lapitan ng lalaki ay upang alukin siya ng isang oportunidad, ito ay ang maging modelo ng isang commercials.

Tinanong siya nito kung gusto niya umano maging modelo ng commercials, at dahil gusto niyang makatulong sa kanyang pamilya ay agad naman tinanggap ni Angel ang nasabing oportunidad. Agad niyang tinanong kung magkano ang ibabayad sa kanya, sabay ng isang tawa.

Ibinahagi rin ni Angel na hindi man lang sumagi sa kanyang isipan na darating siya punto ng buhay na meron siya ngayon, na isang sikat na artista na nakikita at lumalabas sa mga pelikula sa telebisyon. Hindi rin daw naging madali ang kanyang pagsisimula dahil sa kanyang murang edad ang pagod at hirap sa pag cocommute ay kanya ring naranasan, ngunit ito ay kanyang tiniis upang makatulog sa kanyang pamilya.


Lagi rin umanong nakatatak sa isip ni Angel ang pwede nyang kitain sa mga commercials na kanyang ginagawa kaya lahat ng hirap at pagod ay kanyang iniinda. Nabigyan din ng pagkakataon si Angel na makapasok sa isang workshop, kung saan ay may batas sa workshop na hindi mo pwedeng ikwento o sabihin sa iba kung ano ang mga nagaganap o ginagawa nyo sa loob ng workshop.

Kung kaya’t ang kanyang ama ay nagalit at hindi sang ayon sa kanyang pag-aartista dahil umano sa pagiging sikreto niya sa kanyang mga ginagawa. Ngayon ay isa na nga si Angel Locsin sa mga artista na malayo na ang naabot at patuloy ang pamamayagpag ng kanyang karera sa industriya ng showbiz.
Powered by Blogger.