Angeline Quinto, natural ang pagiging simple sa buhay kahit na malayo na ang narating ng kanyang showbiz career

Anuman ang estado natin sa buhay, isa sa mga pag uugali na hindi natin dapat makalimutan ay ang pagiging simple sa buhay. Marating man natin ang rurok ng tagumpay, ang pagiging simple sa buhay ay hindi dapat mawala sa atin.

Gaya na lamang ng singer na si Angeline Quinto. Kilala si Angeline sa kanyang galing sa pag-awit. Dahil sa kanyang talento, dinala siya nito sa kasikatan at sa tagumpay.


Dati ay nahihirapan din sa buhay si Angeline pero sa tulong ng kanyang talento at pagsusumikap ay natatamasa na niya ang tamis ng tagumpay. Pero kahit matagumpay na ay hindi nakakalimot si Angeline.

Ang simpleng buhay na kanyang kinalakihan ay hindi nakakalimutan ni Angeline. Kaya naman, hindi nagdalawang isip si Ange na kumagat sa Overnight Kubo Challenge na tumira sa isang kubo sa loob ng isang buong araw at gabi.

"Since masyado akong na inspire sa #liziqi, ginusto ko ma experience ang buhay sa #probinsya." ayon kay Angeline.


Si Liziqi or Li Ziqi ay isang Chinese YouTuber. Kilala siya sa kanyang mga vlogs lalo na tungkol sa pagluluto at handcraft. Ngayon ay nasa halos 8.6 million na ang subscribers nito.

Kaya naman, ipinakita lang ni Angeline na kahit ano man ang kanyang tinamasang tagumpay ay hindi siya nakakalimot na bumalik sa kanyang kinalakihang pamumuhay.

Bilib na bilib ang mga netizens sa pagiging humble at simple ni Angeline.

"We are born to be humble. high five to Angie!!!!!"

"Nsa mukha nia talaga ang simple at kabaitan walang arte. Pag laki sa simpleng buhay yumaman ka man gagawin mo pa rin ung dati mong ginagawa at nkasanayan proud ako sau Idol..God bless."

"Natural na natural tlaga masaya kaya ung ganon kau magkakaibigan ay klan kaya mangyayare yan parang malabo."


"Tunay na tao yan.. sanay sa h!rap ng buhay"

"Sympre po galing sya sa ganyang buhay tama po kahit umasenso tayu sa buhay huwag natin kalimutan kung saan tayu nang galing im proud of u ms angeline."

Panoorin ang video dito:
Powered by Blogger.