Bayanihang Pinoy: Mga residente sa Cavite, tumulong sa paglilinis ng windshield ng mga sasakyang naapektuhan ng ashfall

Dahil sa kapal ng usok, abo, at pag-ulan na may kasamang mga bato at buhangin dala ng phreatic erupti0n ng Taal Volcano Linggo ng tanghali, maraming mga sasakyang bumibiyahe ang nakaranas ng epekto nito.

Kaya naman muling lumabas ang bayanihan ng mga Pilipino na nagtulung-tulong upang linisin ang mga maputik at may abong windshield ng mga sasakyan.

Ang netizen na si Aren Venice Ambojia na taga Silang, Cavite ay ibinahagi ang video ng paglilinis nila ng windshield ng mga sasakyan na karamihan daw ay galing sa Tagaytay.

“Tulong muna tayo, guys. From Tagaytay po karamihan sa mga sasakyan,” sabi niya. Sa kasalukuyan ay may 27k reactions at 22k shares na ito.

Ganito rin ang ginawa ng mag-asawa sa Tagaytay upang makatulong sa mga motorista. Nagbahagi ng video ang kanilang anak na si Juan Carlo De Vela na nagpapakita sa kanilang binubuhusan ng tubig ang windshield ng mga sasakyan.

“My father and mother helping motorists remove ashes from their windshield in Tagaytay as Taal Volcano continues to erupt,” sabi niya sa post.

Linggo ng tanghali nang maganap ang phreatic expl0sion sa Taal Volcano. Sa kasalukuyan ay nakataas na ang Alert Level 4 doon at nagsasagawa na ng precautionary evacuation para sa mga apektadong residente.

“This serves as notice for the raising of the alert status of Taal from Alert Level 3 (magmatic unrest) to Alert Level 4 (hazardous erupti0n imminent),” sabi ng Phivolcs. Paliwanag nila, ang Alert Level 4 daw ay nangangahulugang posibleng mangyari ang hazardous expl0sive erupti0n sa loob ng ilang oras o araw. “DOST-Phivolcs strongly reiterates total evacuation of Taal Volcano Island and additional evacuation of areas at high risk to pyroclastic density currents and volcanic tsunami within a 14-kilometer radius from Taal Main Crater,” dagdag pa nila.

Umabot na rin ang ashfall sa ilang bahagi ng Calabarzon at Metro Manila; dahilan upang magsuspinde ang ilang mga lugar ng klase sa Lunes, Enero 13, 2020.