Binatilyong tumulong sa mga evacuees ng pagsabog ng Taal, pumanaw sa aksidente

Viral ang madamdaming post ng isang guro sa pagkamatay ng kanyang dating estudyante.

Kwento ng guro na si Maria Cristina Floren, laking gulat niya ng pumanaw sa isang kalunos-lunos na aksidente ang kanyang dating estudyante na si Rio John Abel.


Ayon pa sa guro, nabalitaan pa niyang tumulong pa mismo si Rio sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Kaya naman, napakasakit daw malaman na isang aksidente sa kalsada ang kikitil sa buhay ng kanyang dating mag-aaral.

Nalaman ng Trending Bytes na nagawa pa raw ni Rio na tumawag upang makahingi ng tulong dahil sa naiipit na raw ang paa nito ngunit kalaunan ay pumanaw din ito.

Kwento pa ng guro, makulit man daw ito noong nag-aaral pa ngunit masipag naman na daw ito noong siya ay nagtrabaho na.

Nanghihinayang din ang ina ni Rio na agad itong nawala dahil marami pa itong nagagawang kabutihan maging sa huling oras na pala ng kanyang buhay.


Umabot sa mahigit 83,000 ang postibong reaksyon ng post.

Maraming humanga sa pagiging matulungin ni Rio at sana ay pamarisan din daw ito ng ibang kabataan.