Dalawang Chinese cruise ships, pinayagang dumaong sa Maynila

Sa kabila ng banta ng mapamuksang 2019 Novel Corona Virus hindi lamang sa China kundi sa iba pang mga bansa sa daigdig, dalawang cruise ships mula China ang dumating at dumaong sa Pier 15 ng South Harbor sa Maynila, nitong Enero 28, 2020.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard o PCG, naideklarang maayos at ligtas naman ang mga cruise ships na dumaong sa Maynila sakay ang mga Chinese nationals, matapos magsagawa ng mga inspeksyon. Pinayagan pa umanong makababa at mamasyal sa dalampasigan ang mga dayuhan at kumuha ng mga larawan.


Hindi naman napigilan ng mga netizens na magkomento hinggil dito. Sabi ng isa, “Incubation period is 14 days. The passengers and crew should have been isolated in the ship for 14 days first before allowing them to enter our country to ensure that no one among them is carrying the deadly virus. Calling DOH.”

“Hindi ba pwedeng stop muna lahat ng galing sa kanila? Just for now lang naman hangga’t may outbreak. Simple logic lang naman mga nasa puwesto, maawa naman kayo sa mga Pilipino. Huwag naman po sanang sa mga pamilya ninyo dumapo iyang sakit na iyan. Nakakainis,” turan naman ng isa.

Komento naman ng isa, “Wuhan City and the rest of China is in a total lock down. Why can’t we do the same? Why do we entertain people coming from this cities? Why?”

“I strongly hope we will not regret this decision later. Especially if the last port call of these ships are considered affected areas already,” saad naman ng isa.


Komento naman ng isa, “Sad reality, Filipinos are very hospitable to other country. Pero pagdating sa kapwa–Pinoy natin, wala tayong pakialam.”

Batay sa komento ng mga netizens, hindi sila pabor sa naging hakbang na ito, lalo pa’t maraming mga bansa ang naghigpit sa pagpapapasok ng mga dayuhan, lalo na ng mga Chinese.
Powered by Blogger.