Judy Ann Santos at anak na si Lucho, nagluto ng masarap na pagkain para sa 1,000 katao sa evacuation areas

Kamakailan lang ay nag alboroto ang Bulkang Taal. Umabot sa Al3rt Level 4 ang pag aalboroto nito. Napakaraming mga naging apektado sa ash fall na inilalabas nito. Umabot sa buong Batangas, Laguna at Cavite.

Hanggang ngayon ay napakaraming mga kababayan natin sa mga apektadong probinsya nasa evacuation centers. Kaya naman, talagang nangangailangan ang mga residente doon.


Gobyerno man, o mga pribadong sektor ay nakilahok na sa pagabot ng tulong sa mga nasal@nta ng bulkan. Maging mga taga showbiz ay nagpapaabot ng personal na tulong.

Gaya na lamang ni Judy Ann Santos na siya pa mismo ang naghahanda at nagluluto sa kanyang mga ibibigay. Kasama din niya ang kanyang pamilya na si Ryan Agoncillo at Lucho sa paghahanda ng ulam.


Isa sa mga ipinamigay ni Juday ay ang 35 reusable boxes na may mga ulam at mga pangangailangan natin.

"These reusable boxes will be sent to 35 families tom. Affected by the taal eruption.. because by using reusable boxes, instead of plastic bags ang paglagyan natin ng ating mga tulong sa mga kababayan natin. sabay nating natutulungan mabawasan ang pagdagdag ng basura sa mga evacuation areas. sama sama tayong babangon para sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong at pagdamay." ayon sa IG caption ni Judy Ann.

Napakasayang makita na sa hirap at deluby0 ng ating bansa ay nagtutulong tulungan ang bawat isa sa atin. Ordinaryong mamamayan man, opisyal ng gobyerno o maging mga artista ay ibinigay ang makakaya para sa kapakanan ng bawat isa.


"Ang sarap daw po ng adobo sabi ng parents ko at mga kapatid ko sila ang nakatanggap ng mga reliefs from rosario batangas, thanks for your kindness." sambit naman ng isang netizen.

Lubos namang pinuri ng mga netizen si Juday at narito ang ilan sa kanilang mga nasabi:

"God be with you Miss Juday for having a very kind heart.Godbless and to ur family too Mam"

"Good job idol juday. I so proud po sa inyo at sa inyong family tumulong para sa ating kababayan.god bless idol juday"

"Thank you Judy Ann. simulat sapul I love to hear about you and your movies.. thank you"
Powered by Blogger.