Magkaibigang nagdala ng tulong sa Batangas, nasawi sa malagim na aksidente

Tinapos ng isang malagim na aksidente ang dapat sana'y masayang pag-uwi ng magkaibigang Maximino Alcantara III and Rio John Abel.

Ang mga biktima, nasangkot sa isang aksidente sa kalsada matapos silang magbigay ng tulong sa mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano sa Batangas.

Sa post ng kaibigan ng mga ito na si Lan Capili, sinabing pauwi na ang dalawa nang mangyari ang aksidente.

Diumano, sumalpok ang kotseng sinasakyan ng dalawa sa isang truck sa Barangay Banay Banay, Lipa City noong gabi ng January 13.

Mabilis na nagviral ang nangyari sa dalawa at bumuhos ang pakikiramay sa social media.


Maraming netizens ang nalungkot sa sinapit ng dalawang binata na ang tanging hangad lang ng mga oras na iyon ay ang makatulong sa mga nangangailangan.

"Salamat sa mga young and modern heroes na tulad nila. condolences to your family. hnd sana malimutan ang kabayanihan ng 2 heroes na eto. thank u."

"Two angels have recieved their wings ..condolence po sa pamilya.Kayo ay mga bayani kabayan.Rest in peace."

"Salute you both..Rest in Peace....Condolence to the bereaved family."

"Salute sa inyo Sir Maximino at Sir Rio. Tunay kayong mga bayani. may your soul rest in peace. Condolence po sa kanilang family."

"Rest in peace true heros my deepest condolence to their family, napaka buti nyo po nag effort kayo pra makatulong sa kababayan natin, sobra nakaka proud ung ginawa nyo po..forever salute."