Senator Manny Pacquiao, namataang namamahagi ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Taal

Viral ang larawan ng Boxing legend at senador ng bansa na sa Manny Pacquiao na namataang namamahagi ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Ayon sa post ng netizen na si Gina Gina, makikita ang napakaraming paper bags na naglalaman daw ng relief goods na ipamimigay sa mga evacuees.

Sa caption din ng post, nabanggit ni Gina na galing daw muli sa bulsa ng People's champ ang lahat ng tulong na ito.

Makikita rin na halog mapuno ang ilang delivery trucks na dadalhin sa mga evacuees.

Samantala, muling umani na naman ng papuri ang Pambansang Kamao dahil sa pagiging likas nitong matulungin sa kapwa.

Maaalalang nito lamang nagdaang pasko ay namahagi rin siya ng aginaldo sa mga tao kaya naman marami ang sumaya sa panahong iyon. Una na itong naiulat ng Trending Bytes.


Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Saludo ako syo Senador Manny Pacquiao napakabuti mo tao nnjan ka para tulongan ang mga tao nangangailangan ng tulong God Bless"

"Very good person, he knows the feeling of poor people"

"Yan ang tunay n naglilingkod, maasahan sa oras ng kagipitan. mabuhay po! dumami pa sana katulad mo po ang kailangan ng ating bansa sa panahon ngayon..."

"Mabait po talaga si senator manny.. sana po all."

"Yan lang senador na makikita mo sa ganyan natulong siya"