Bagong kasal sa Pangasinan nakatanggap ng P840,000 na cash gift mula sa kanilang money dance

Kung pagdiriwang lang naman ng mga okasyon ang pag-uusapan tiyak na hindi magpapahuli riyan ang maraming mga Pilipino.

Ang ating bansa ay kilala dahil sa matagal na panahon nating pagdiriwang ng kapaskuhan na nagsisimula ng “Ber” months kung saan talaga namang mapapansin mo ang maraming mga palamuti sa kalsada at maging sa bawat tahanan sabayan pa ng mga bibingka, puto bumbong at tsaa na madalas nating kainan sa mga ganitong panahon.

Bukod pa rito ay madalas din tayong nagdiriwang ng mga kapistahan ng mga patron lalo na ang mga Katolikong mananampalataya sa Pilipinas.


Madalas nga ay maririnig din natin na kahit walang pera ay ipinangungutang pa magkaroon lamang ng maraming handa sa hapag-kainan.

Nakakatuwa ring malaman na sa mga panahong ito lamang inilalabas ang mga magagandang kubyertos at kagamitan sa bahay na kahit mismo sa mga anak o sa mga taong nakatira sa bahay ay ayaw ipagamit sa mga ordinaryong araw, tanging sa mga espesyal na okasyon lamang at sa mga bisita lamang ito maaaring ipagamit.

Bukod pa rito ay madalas ding pinaghahandaan ng maraming mga Pilipino ang kasalanan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Talaga namang binibigyan at pinaglalaanan ito ng sapat na oras, panahon, at salapi. Kung kaya namang maggayak ng magarbo at enggrandeng kasalan ng isang pamilya ay talaga namang walang makahahadlang pa dito.

Kagaya na lamang ng napakaganda at napaka-eleganteng kasalan na ito nina Allan at Precilla na naganap sa Binmaley, Pangasinan. Aakalain mo bang magmumukha silang hari at reyna dahil sa kapa at koronang iniligay sa kanila na gawa lang naman sa mga dolyar!


Dahil sa karamihan sa kanilang mga bisita at mga principal sponsors ay nagmula pa sa Canada at sa Amerika, hindi na nakapagtataka na bigyan sila ng Canadian dollar at American dollars sa ginawa nilang money dance.

Ang halaga lang naman ng kanilang natanggap na regalo ay 13,000 US dollars, 3,250 Canadian dollars, at P62,000 na mayroong kabuuang halaga na 844,000 pesos!