Bangs Garcia, buntis na sa ikalawa nitong anak sa mister na si Lloydi Birchmore

Sabi ng marami hindi daw talaga madali ang pagkakaroon ng asawa at ang pagkakaroon mismo ng pamilya. Talaga namang marami kang pagdadaanang pagbabago, marami kang magiging sakripisyo at tiyak na magiging mas mainam kang tao kaysa sa noong ikaw ay dalaga o binata pa lamang. Maaaring hindi talaga ito madali ngunit kung katuwang mo ang tamang tao para sa iyo, tiyak na makakayanan mo ang lahat at magiging isang magandang karanasan ito para sa iyo.

Kamakailan lamang ay ipinahayag ng dating sikat na aktres na si Bangs Garcia ang isang napakagandang balita na siya ay buntis nang muli sa ikalawa nilang anak ng kaniyang mister na Si Lloydi Birchmore. Talaga namang naging napasayang balita nito para kay Bangs at sa kaniyang mister lalo na at tinaon pa niyang ibahagi ang napakagandang balita sa kaniyang mga fans sa araw ng mga puso.


Sa social media account ni Bangs ay nagbahagi siya ng larawan nilang mag-asawa kasama ang kanilang panganay na anak na si Amelia Birchmore na isinilang noong Disyembre 5, 2017 sa London, England. Hawak hawak din ng cute na si Amelia ang “ultrasound photo” ng kaniyang parating na kapatid. Nakasuot naman ng bistida si Bangs na halata na rin ang kaniyang 4 na buwang tiyan.


Ito ang naging caption ni Bangs sa kaniyang viral post, “The love in our family is tremendously growing as another bundle of joy is coming our way. Happy Valentine’s Day, Loves!!! #4monthsPregnant.” Talaga namang umani ito ng napakaraming positibong reaksyon at komento sa social media. Tunay nga na walang makakahigit pa sa kasiyahang naidudulot ng pagkakaroon ng karagdagang supling sa isang pamilya!


Si Valerie “Bangs” Garcia ay 32 taong gulang na aktres sa pelikula at telebisyon. Isa rin siyamg pintor na mula sa siyudad ng Davao. Siya ay nag-aral sa Ateneo de Davao University mula noond 1993 hangganf 2005. Nagwagi siya noon sa isang interschool talent competition na “Campus Idols” taong 2004. Ang naging kauna-unahang trabaho niya ay ang pagiging isang TV host sa isang teen variety show ng ABS-CBN Davao. Na-engage siya sa kaniyang nobyong si Lloydi noong Enero 2016 at ikinasal rin ng tatlong beses rito, isang beach wedding sa Boracay, civil wedding sa London, at church wedding pagkatapos pa nito ngunit hindi na siya nagbigay pa ng detalye kung saan ito ginanap.