GF, nahuli ang BF na may dalawa pang ka-date noong Valentine's dahil sa "My Day"

Viral ngayon sa social media ang post ng netizen na si Hannah Blaine Gaas kung saan nabisto niya raw di umano ang kanyang nobyong si "Mark"na mayroon pang dalawang GF.

Ayon sa post ni Hannah, nalaman niya ito dahil sa 'My Day' post ng dalawang pang babae.

Sabi pa niya, iyon daw ang kinatatakot niya na baka may makapareho siya ng post at nangyari nga sa di lamang isa kundi dalawa pang babae.

Ang masaklap pa rito, iisa ang lugar kung saan sila na-date ni Mark at magkakaiba lamang sila ng 'schedule.'

Tila pare-pareho rin ang regalo ng BF sa tatlo niyang GF at ito ay ang isang malaking bear.

Narito ang kabuuan ng post:


Nakuha pang makipagbiruan ni Hannah sa isa pang "GF" ni Mark na may Facebook name na Khate Bascon.

Sinabi nilang baka naman di lamang sila tatlo sa puso ni Mark at baka mayroon pang iba na di pa lumalantad.

Imbis tuloy na kiligin sila as Araw ng mga Puso, naging broken hearted tuloy ang tatlo.