Larawan ng isang sekyu na nag-uulam ng chichirya, usap-usapan ngayon sa social media

Maraming netizens ang naantig ang damdamin para sa isang security guard sa isang viral post sa social media.

Sa larawang ibinahagi ng netizen na si Ralph Reymond Hermano Getanes, makikita ang sekyu na nag-uulam lamang ng chichirya sa kabila ng deretsong trabaho.

Ayon sa post na ni-reupload ng Facebook page na Soul I Adventures, nagsasakripisyo ang sekyu para sa kanyang pamilya sa Cotobato.

Pangarap nito ang mapagtapos ang mga minamahal na anak kahit pa nga ito ay kumain ng hindi masustansiyang pagkain.

Kasama sa ibinahagi ni Getanes ang kanilang naging usapan ng sekyu.

"Nakakadurog ng puso makakita ng ganito! laban lang boss

KASABAYAN SA PAGKAIN

Me: Bas, Chicherya ulam mo?

Him: Uo Sir. Ang dami ko kasing sinu.suportahan sa COTABATO Sir.

Me: Baka magkasakit ka niyan, straight duty ka pa naman.

Him: Sanay na ako Sir. Di bale, balang araw pag makatapos sila, SANA HINDI NA GANITO. Inshallah

Pa smile2 lang siya that time pero ramdam ko sa bawat bigkas niya ang kinukubling hirap at pangungulila."


Bumuhos na ang papuri at paghanga para rito mula sa social media.

"Sana in the future maibalik sayo ng mga anak mo kuya yung sacrifices na ginagawa mo just to support them. Sana they could see this post so they know that you are their real life superhero. Kudos to you kuya. More blessing and may God protect you always."

"Binabasa ko pa lang tumutulo na yung luha ko. Someday tatay, may kapalit lahat ng ginagawa mo. Proud na proud po ang family nyo kase may isa silang tatat, tito, o asawa na tulad nyo. God bless you Tay."

"he fact na nakangiti ka while doing those sacrifices? Sapat na realization yun samin how genuine your heart is. Keep the faith! Lahat po ng pinagsusumikapan at pinaghihirapan nyo mangyayari. Will be praying for you kuya and be reminded that Jesus already planned the best for you and your family. God bless po."

"Salute!!!!! Sobrang nakakadurog man ng puso but god is good god knows our pain."

"Nakakaiyak! Pero ganun tlga.. Halos Lahat siguro ng magulang nagawa ng magtiis ng gutom para lang sa mga anak."