Misis, nilagyan ng family picture ang motor ni mister para di raw mambabae

Viral ngayon sa social media ang isang misis na may kakaibang paraan para hindi raw mambabae ang asawa niya.

Nalaman ng Trending Bytes na nilagyan ni misis ng family picture ang motorsiklo ni mister.

Ibinahagi ng Facebook page na Buhay Lespu ang litratong ito na may caption na: "Tignan ko lang kung makapagsakay ka ng ibang babae."

Makikita sa litrato na kakaiba ang disenyo ng motorsiklo dahil may litrato ito nilang mag-asawa kasama ang tatlong mga anak nila.


Naging trending ang post na ito sa social media at mayroon itong 16,000 engagements, 9,000 comments, at 27,000 shares. Samantala, tawang-tawa rin naman ang mga netizens sa kakaibang ideya ni misis para sa asawa niya. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Sana all haha”

“Kahit buong motor pa ang balutan ng photos mo kung mambababae... mambababae!”

“Khit mukha pa ng santo ilagay mo jan..may aangkas prin...”

“Hahaha. Ok yan. Family pic.”

“Mautak na asawa”

“maganda ata yan sa mga kotse”