Tindero sa kalsada, sugatan matapos palayasin sa pwesto niya at itapon ang paninda

Ikinuwento ng isang netizen ang sinapit ng isang lalaking tindero sa kalsada matapos itong pwersahang pinaalis sa pwesto niya.

Nalaman ng Trending Bytes na ayon sa netizen, nadapa pa ang lalaki at kinuha ang mga paninda niya.

Ibinahagi ng netizen na si Alexandra Santos na nakita niya ang lalaki na tumatakbo at may sasakyan na nakasunod sa kanya.


“’Yun pala nang huhuli sila nung mga nag bebenta ng gulay sa kalsada. Grabee nadapa si tatay tapos nawarak po yung damit nya! Kinuha yung mga paninda nya,” kwento ni Alexandra.

Labis naman ang awa ng netizen kay tatay dahil pwede naman daw na dinaan na lang ito sa mabuting usapan.

“Grabee kau mamang ng huhuli ‘di na kayo naawa kinuha nyo na nga yung paninda ni tatay tapos nakasakit pa kayo!” sabi ni Alexandra.

“Naghahanap buhay sila ng marangal para sa mga anak nilang nag aaral at pinapakain!” dagdag niya pa.


Samantala, naawa rin ang mga netizens sa sinapit ni tatay nang mahuli siya at matapon ang mga paninda niya. Narito ang ilang mga komento nila sa Facebook post:

“Kawawa nmn natapon lahat ung okra at luya nya nasugat pa.”

“Kakaawa naman po c tatay naghanap buhay lng ung tao eh??”

“Grabe sobrang sakit na ng mga nagyayari sa mga mahihirap masyado na minamaliit”