
Ayon kay Caelie Wilkes, bihira raw kasi ang mga kayang magpatagal ng halaman dahil marahil sa araw-araw na obligasyon ng pag-aalaga nito.
Ngunit ang kasiyahan ng ginang ay biglang nauwi sa katatawanan nang madiskubre niyang peke at plastik pala ang halamang ipinagmamalaki niya.
Nalaman niya ang matagal na sikreto nang tanggalin niya ito sa paso para ilipat sa magandang vase na kanyang nakita.
Dahil sa labis na gulat ay ibinahagi niya sa kanyang Facebook ang kanyang kwento noong Pebrero 28.

Kwento pa niya, nang alisin niya ang naturang halaman ay nakadikit pa ito sa isang styrofoam na may peke ring buhangin.

Agad na nagviral online ang kanyang post na agad namang naitampok sa iba’t ibang stations gaya ng Radio 2, the New York Post at Good Morning America.
Samantala, dahil dito ay naghandog ang Home Depot ng totoong halaman kay Caelie para umano makapag-alaga na siya ng buhay at tunay na pananim.