Batang 90s, naging paborito mo rin bang meryenda noon ang ube bar bread?


Sino ba ang makalilimot sa maliliit ngunit masasarap na ube bar bread na bumuo noon sa meryenda ng mga bata noong dekada 90?

Sa Facebook, natakam ang maraming netizens nang ibahagi ng page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon. ang mga larawan ng nasabing tinapay. Dahil sa post, nagbalik sa nakaraan ang mga follower ng page.

“Ube bar bread–ang tinapay na naging bahagi ng kabataan mo,” saad ng admin sa caption ng photos.


Nakakuha ang post ng lampas 37,000 shares at mahigit 40,000 reactions, as of posting. Halos limang libong social media users na rin ang nag-iwan ng kumento rito; hindi lamang ang mga batang 90s, kung hindi pati na rin ang mga nakakakain na nito bago pa man ito naging sobrang popular sa mga tao.

“Baon ko noong elementary, P5 lang ang 10 pieces tapos ‘pag may ntira hanggang kinabukasan na,” pagbabahagi ng Facebook user na si Marvin Paraiso.

“Ito ‘yong pinakaborito kong tinapay mula noong estudyante pa ako hanggang magtrabaho ako. Naaalala ko pa ‘yong bakery sa harap ng Concepcion Elementary School. Tuwang-tuwa ako. Kahit dalawang piraso lang nito, masaya na ako,” pagbabahagi ni Harliza Devera.

“Kasabay ko sa paglaki, since five years old ako unang kumain niyan noong 1985,” ani Marvin Mariano.


Sa kasalukuyan, bagama’t hindi pa naman tuluyang nawawala ang ganitong klase ng tinapay ay hindi na kasing dami ng dati ang bilang ng mga nagtitinda nito. Sa katunayan, marami rin ang nagtatanong sa comments section kung saan na lamang ba nakabibili ng klase ng tinapay na ito.

Ikaw, naging paborito mo rin ba ito? Nahilig ka rin ba sa pagkain nito? Ibahagi ang iyong kuwento!

Powered by Blogger.