Estudyanteng nagpakuha ng grad pic sa ospital, di na umabot sa mismong graduation

Binahagi ng guro na si Rodeliza Lopez Omana ang larawan ng estudyanteng si "Jayson" na nagpakuha ng graduation picture sa ospital.

Kwento ni Rodeliza, pabalik-balik na sa ospital si Jayson dahil sa kondisyong enlargement of the heart.

Nangamba raw ang kanyang estudyante na wala siyang graduation picture kaya naman dinala ng guro sa ospital ang photographer upang makunan ng larawan si Jayson na nakasuot ng toga.


Bakas sa ngiti ng estudyante ang kasiyahan na natupad ang kanyang kahilingang magkaroon din ng graduation.

Kahit pa naka-swero at may oxygen tank, nagawa pa ring ngumiti ni Jayson para sa kanyang grad pic.

Sa post, humingi rin ng tulong ang guro para sa pagpapagamot ng estudyante.

Ngunit sa kasamaang palad, nito lamang Marso 6 ay pumanaw na si Jayson.

Hindi na niya inabot ang mismong Araw ng Pagtatapos nila sa paaralan sa April.


Sadyang nalungkot ang mga malalapit na tao kay Jayson at hiling nilang sana'y inabot pa nito ang pag-akyat niya ng entablado sa pagkuha niya ng diploma.

Ngunit alam naman ng kanyang mga kaibigan, kaklase, guro at pamilya na higit na nasa mas maayos na lagay na si Jayson at wala na ring iniinda nang sakit.
Powered by Blogger.