Matteo Guidicelli confirmed grand wedding in Italy is set to happen

Matapos ang secret wedding, matutuloy pa din kaya ang inaabangang grand wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?

Ito ang mainit na tanong ng karamihan ngayon matapos nga ang controversial private wedding ng celebrity couple.

Makalipas ang ilang linggo, nakumpirma na nga na tuloy pa din ang inaabangan na grand wedding ng dalawa sa Italy. Nauna nang inanunsyo ng celebrity couple ang plano nilang pagpapakasal sa Italy.


Isang quick interview ng showbiz reporter na si MJ Felipe kay Matteo ang naganap sa isang parking lot. Sa video, makikita na pasakay na dapat si Matteo ngunit natanong pa siya ni MJ ng ilang katanungan.

Dito na nga nakumpirma na tuloy pa din ang wedding nila ni Sarah na gaganapin sa Italy. Nabanggit din ng aktor na siya ay masaya at nagpapasalamat sa mga taong walang sawa na sumusuporta at nagmamahal sa kanila ng kanyang asawang si Sarah..


Recently, sa gitna ng kontrobersya, nakita ang newly weds na namimili ng mga housewares para sa kanilang bagong lilipatang bahay.

Kasama sa shopping si Dra. Vicki Belo at anak nitong si Scarlette. Ayon sa video ni Dra . Belo, ito ay ang kanyang wedding gift para sa couple.


Sa kabilang banda naman, isa pang source ang nagsasabi na maaaring imbitado ulit si Dra. Vicki Belo sa gaganapaing grand wedding at ganun na din si Boss Vic ng Viva Entertainment na siya namang talent manager ng couple.

Bukod pa dito, nagtanong daw si Sarah kay Alex Gonzaga kung paano palitan ang last name niya sa passport mula Geronimo at gagawin na itong Guidicelli. Ayon sa netizens, baka daw gusto na ng aktres na gamitin na agad ang last name ng kanyang asawa.

Marami ang nagsasabi na itutuloy talaga ng dalawa ang kasalan nila dahil nasimulan na ang preparations at gastos. Matatandaan na marami nang report ang nagsasabing may team at organizers na sina Matteo at Sarah na nag-aayos naman ng mga papeles at iba pang bagay para sa kanilang kasal.


Masaya naman ang kanilang fans dahil finally matutuloy na din ang inaabangang malaking kasalanan ng kanilang idols.

Panoorin ang quick interview dito: