Pinay OFW, maswerte sa employer na laging nakiki-TikTok sa kanya

Agaw eksena sa social media ang di umano'y mga TikTok videos ng isang Pinay OFW at amo nito.

Binahagi ng Facebook user na si Shery Rose ang makukulit na videos ng OFW na may pangalang "tatzie_17" sa TikTok kasama ang kanyang amo. Panigurado raw kasi, hindi naho-homesick ang OFW dahil sa kakulitan ng amo nito.

Parang magbarkada pa nga raw ang dalawa at nakisali pa ang amo sa pagsayaw ng Pinay ng 'Tala'. Dagdag pa ni Shery, kung ganito raw ang kanyang amo, di na raw niya maiisipan pang umalis.

Makikita kasi sa iba't ibang videos "tatzie_17" kung gaano kaayos ang trato ng kanyang amo sa kanya.

May video na panga ito na ang employer niya ang may hawak ng baby at nakisabay pa rin ito sa video ni "tatzie_17".

Panoorin ang video dito:


Napa-"sana all" na lang ang iba pang mga netizens dahil sa bibihira na raw talaga ang mga ganitong klaseng amo na kakaibiganin ang mga OFW at itatrato ng maayos tulad nito.

Sana rin lang ay di abusado ang Pinay na baka naman daw puro TikTok na lang ang atupagin.

Pahalagahan daw sana nito ang trabaho lalo na ang kabutihan ng amo dahil masasabing maswerte na ito sa kanyang napasukang trabaho.

Narito ang ilan pa sa mga komento ng netizens: