Sarah Geronimo, humakot na ng mahigit 100M views ang kanyang Tala music video

Malaki ang ambag at kontribusyon ng musika sa ating kultura. Mula pa man din noon, talaga nga namang maraming Pinoy ang may hilig sa musika. Tradisyonal man o moderno ay hindi nawawala ang mga musikang ito. Maaaring iba iba lang ng tono o liriko pero iisa pa din ang laman ng mga bawat awiting ito.

Laman ng bawat awit ang puso at damdamin ng mga sumusulat at umaawit nito. Hindi nakapagtataka kung bakit hilig ng mga Pinoy ang musika, dahil sa lahat ng ito ay nangagaling sa puso at diwa ng bawat isa.

Kung sa modernong mga awitin ang usapan, napakarami nga namang awit na talagang alam na alam at kabisado ng mga Pinoy ngayon mapa bata man o matanda.

Isa na dito ang awitin ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo. Sino ba ang hindi nakakaalam at napapasayaw sa awiting Tala ni Sarah G?


Ito ay isinulat ni Nica del Rosario at Emmanuel Sambayan. Ito ay naisama sa The Great Unknown album noong 2015.

Matagal tagal na rin ang awiting ito kaya naman nakakabigla na noong 2019 palang ito talaga sumikat dahil sa social media sa #TalaDanceChallenge.

Marami ang kumagat sa challenge na ito. Bata man o matanda, lalaki man o babae ay talagang kuhang kuha ang mga moves n mi Sarah. Maging mga international celebroties ay alam na rin ito.

Noong Enero, opisyal ng pumasok ang Tala sa Billboard World Digital Song Sales chart at tinaguriang world’s most trending playlist at Spotify’s Global Viral 50.


Bukod dito, nasa mahigit 100 M views na rin ang awiting Tala ni Sarah G. Napakagandang regalo ito kay Sarah para sa kanyang 17th year anniversary sa show business sa March 1.


Samantala, umabot na rin sa 100 million views ang mga awitin ni Juan Karlos Labajo na Buwan, December Avenue at Moira Dela Torre na Kung ‘Di Rin Lang Ikaw.