2 lalaking nag-costume ng ‘Superman’ at ‘Batman’, namigay ng relief goods sa Baguio

Bukod sa mga frontliner na tumutugon sa COVID-19, mayroon din real life superheroes na handang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Sa lungsod ng Baguio, to the rescue sa mga residente roon sina “Superman” at “Batman” na abalang namamahagi ng relief goods.


Nilibot ng dalawa ang City of Pines sakay ng kanilang motorsiklo at nag-abot ng food pack na may lamang bigas, delatang pagkain, at noodles.

Ang mga nasa likod ng DC costumes, kinilalang sina Jefferson Delos at Rash Garcia.

Kuwento ng dalawa, pinagsama nila ang nakuhang sahod para may ipambili ng pagkaing ibibigay sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine.


Sa ilalim ng ECQ, tigil-operasyon muna ang ilang trabaho at inutusan ang lahat na manatili muna sa kani-kanilang tirahan.

Nitong nakaraang linggo, matatandaang namahagi ng food packs sa isang barangay sa Victoria, Tarlac ang superhero na si “Spiderman”.