Ayaw paawat! Video ng mga taong nagsisiksikan at nanood ng pa-boksing, viral sa socmed

Sa kabila ng pa-ulit-ulit na paalala tungkol sa social distancing at pananatili sa loob ng bahay, hindi nagpapigil ang ilang residente na lumabas at makipagsiksikan sa panonood ng isang boxing match.

Ayon sa video na ibinahagi sa Facebook Page na I-Viral Mo, tila hindi pa nabahala ang mga tao sa nasabing lugar matapos may mag positibo sa COVID-19 sa nasabing lugar.

"Gaano po kasaya sa lugar nyo?? Eto samin ohh walang covid covid dito, may paboksing pa ang mga hinayupak, only in the Philippines tlaga. May kakapositive lng dito sa lugar namin pero parang balewala lng sa kanila"

Kabilang sa ipinag-uutos ng pamahalaan ang manatili sa loob ng mga tahanan at kung maari ay sundin ang panuntunan kagaya ng social distancing at pagsuot ng face mask upang maisawan ang pagkalat ng coronavirus.

Panoorin ang video dito:


Matatandaang isinailalim sa community quarantine ang Metro Manila noong Marso matapos mapatunayang nagkaroon na ng local transmission. Kasunod nito pinaigting pa ang pagpapatupad ng quarantine at iniurong sa April 30 ang nakatakdang pagtatapos ng quarantine.