Babae, nagpa-tattoo ng mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa braso

Viral ngayon sa social media ang tattoo ng isang netizen na hango sa mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Umani ng mahigit 2,000 reactions sa Facebook ang post ni Honeylet TaƱala Sauva na aminadong tagahanga ni PRRD.

Kuwento ni Sauva, mas lalo niyang napansin ang husay ni Duterte bilang Presidente ngayong nahaharap sa krisis ang bansa dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).


“I am not fan of any politicians but this one caught my attention! Sad to say kung di dahil sa covid 19 at mga basher nya di ko makikita o makikilala kung sino ba talaga sya as a president of our country.”

“Salute to our President Rodrigo Duterte! Salamat sa walang sawang pagmamahal sa ating bansa at sa mga kapwa kong pilipino na matitigas ang ulo,” caption ng babae.


Mismong asawa niya na si Jan Renz Rosales Sauva ang naglagay ng Duterte-inspired na burda sa naturang parte ng katawan.

Ayon kay Honeylet, naka-schedule sana ang pagpapa-tattoo niya noong Abril 9 subalit naubusan sila ng numbing cream.

Nakita niya raw ang pinagawang disenyo sa Facebook wall ng mister niya na nilikha ng isang nagngangalang Avel Salen sa Facebook wall ng mister.